Naichika ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang kaniyang nakatutuwang karanasan habang nasa Israel upang sumama sa audience na magchi-cheer para sa kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez, para sa finals ng Miss Universe 2021.

Aniya sa ibinahagi niyang clip sa Instagram stories na nagmula sa Kumu Live, mukhang napagkamalan siyang isa sa mga kandidata ng isang adviser ng naganap na event.

"Lalabas na ako pupunta na ako sa coaster ni Ms. O, hinabol ako ng adviser. 'Where are you going? Where are you going? Where’s your sash?'"

"Gulat ako, akala niya candidate," natatawang pagbabahagi ni MJ>

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Talaga nga namang mapagkakamalan siyang Miss Universe candidate dahil siya ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2014, subalit hindi pinalad na manalo. Napabilang siya sa Top 10 finalists. Kaya naman, hindi mawawala sa awra niya ang pagiging Miss U.

Isa pa sa kinatutuwaan ng mga netizen kay MJ ay sa aktibo nitong pagtu-tweet ng mga updates at jokes na bentang-benta naman sa mga netizen, na minsan ay nagiging memes pa.

Kasama ni MJ na nagpakita ng pagsuporta kay Bea sina Miss Universe Philippines pageant director Shamcey Supsup, na siya namang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2011, at pinalad na maging 3rd runner-up.