Kasunod ng Miss Universe Top 5 finish ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez, may paalala ang isang Pinay beauty queen kaugnay ng mga meme na nagsulputan sa social media.

Si Bea ang kauna-unahang delegada ng Pilipinas na ladlad na miyembro ng LGBTQIA+ community bilang isang bisexual o isang taong romantically o sexually attracted sa parehong gender.

Dahil sa pagiging malapit ni Bea sa nga kandidata kung saan makikita ito sa mga videos na kumalat sa social media, ilang pageant fans ang gumawa ng memes kaugnay dito.

Kaya naman, may paalala ang kauna-unahang Miss Trans Global na si Mela Franco Habijan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Before I go to bed, let’s be reminded that these jokes are homophobic remarks. They belittle LGBTQIA+ people and love,” ani Mela sa isang Facebook post nitong Lunes.

Kalakip sa kanyang posts ang dalawang screengrab ng mga biro kung saan ilang netizen ang nagsabing tila kandidata ng ibang bansa at hindi korona ang nais iuwi ni Bea sa kompetisyon.

Screengrab mula sa Facebook ni Mela Habijan

Screengrab mula sa Facebook ni Mela Habijan

Paalala ng Pinay titleholder, “One, Luigi was there to represent us and create friendships. More importantly, lesbian and bisexual love is not a joke, but a beautiful human experience. ??.”

Ang homophobia ay tumutukoy sa disgusto, o maling palagay laban sa mga taong hindi heterosexual o kung tawagin ay “straight.”