Ikinalungkot ng nag-iisang Pinoy pole vault Olympian na si EJ Obiana ang kasalukuyang sistema ng National Sports Association (NSA) na kumuwestyon sa kanyang integridad bilang isang national athlete.

Sa isang pagdinig ng House Committee on Youth and Sports Development Nitong Martes, Dis. 14, nanawagan si Obiena sa mga mambabatas na “suriin ang sistema” at “tulungan” sila dahil hindi lang ito ang unang beses na nangyari sa isang atleta at samakatuwid ay hindi ang huling pagkakataon na mangyayari ito.

“I will ask you (congressmen) to help to examine the system and enact appropriate laws that will clean up the way the NSA is run. I pray that their finances be managed and dispersed more efficiently and more effectively,” sabi ni Obiena.

“They should be the one handling treasury functions and not delegate it to any of the athletes,”dagdag niya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang panawagan ni Obiena kasunod ng isang isyu sa kanyang mother organization, ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), na pumutok matapos umanong akusahan siya ng hindi pagbabayad sa kanyang Ukranian coach at hindi wastong pag-liquidate sa kanyang pondo.

Sa pagdinig, pinanindigan ni Obiena na sapat niyang binayaran ang kanyang coach na si Vitaliy Petrov. Sinuportahan ito ng nilagdaang pahayag ni Petrov, na nagsasaad din na binayaran siya ng Olympian bagamat may mga pagkakataong nahuhuli ito.

Sa kabilang bansa, ipinagtanggol ng coach ni Obiena na si Jim Lafferty ang Olympian sa gitna ng “mga akusasyon” na ginawa ng PATAFA. Ibinahagi rin niya ang naramdaman ng pole vaulter sa pagsasabing “nasira” ang sistemanang hayaan nito ang mga atleta na pamahalaan ang kanilang sariling pera para sa kanilang athletic expenses at hilingin sa kanila na masusing i-liquidate ang kanilang pinansya sa kabila ng kanilang abalang iskedyul at tuloy-tuloy na pagsasanay.

“The system is broken on how liquidation is done,”sabi ni Lafferty.

“I sit here today with the great deal of sadness because I’m being forced to pick side on this… It also pains me that I have to sit on the side of EJ on this point for a very simple reason… He’s a better human being,” dagdag ng coach.

“It just breaks my heart to see how his name has been trashed… The kid is ruined from reputation standpoint.”

Joseph Pedrajas