Hindi pa mailalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa Miyerkules, Disyembre 15, ang listahan ng mga opisyal na kandidato para sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito’y dahil may ilang nuisance cases pa ang hindi pa nila nareresolba sa ngayon.
“The list of official candidates will not be released tomorrow as there are still a number of unresolved nuisance cases,” ani Jimenez sa mga mamamahayag
Hindi naman nagbigay si Jimenez ng eksaktong petsa kung kailan matutuloy ang paglalabas ng listahan ng official candidates para sa halalan.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na inaasahan nilang maaaring abutin pa ang proseso ng dalawang linggo o higit pa.
“We expect that the process of finalizing the list of candidates will take at least two more weeks,” aniya pa.
Mary Ann Santiago