Binola na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang magiging ayos o pagkakasunud-sunod ng mga pangalan ng mga party-list groups sa balota para sa May 9, 2022 national and local elections.

Mayroong kabuuang 166 party-list groups ang lumahok sa raffle ngunit ang "Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan" o Kamalayan ang pinalad na makakuha ng No. 1 spot o unang puwesto sa balota.

Pasok din naman sa unang 10 puwesto ang mga party-list groups na Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM Ngayong Na); Philippine Society for Industrial Security (PSIS); Agricultural Sectoral Alliance of the Philippines (AGAP); Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan); Home Owners and Marginalized Empowerment through Opportunities with Neighborhood Economic Reliability (Home Owner); Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (Kapuso-PM); PDP Cares Foundation, Incorporated (PDP Cares); Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines (Marvelous Tayo) at Advocates and Keepers Organization of OFWs, Inc. (AKO OFW).

Nabatid na sa naturang 10 party-list na nakakuha ng 10 unang puwesto sa balota, tanging angAGAP at Kabayan party-list lamang ang incumbent members ng House of Representatives.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mary Ann Santiago