Nilinaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno nitong Martes na ang pag-aalis ng mga larawan ng mga bayani sa bagong disenyo ng₱1,000 bill ay hindi pagtatangka na baguhin ang kasaysayan.

Nauna rito, umani ng mga pagbatikos ang desisyon ng BSP na palitan ng larawan ng endangered na Philippine eagle, ang mga larawan ng mga World War II Filipino heroes na sina Chief Justice Jose Abad Santos, Brigadier General Vicente Lim, at Girl Scouts of the Philippines founder Josefa Llanes Escoda, na napatay noong panahon nang pananakop ng mga Hapon sa bansa, sa bagong₱1,000 bill.

“Hindi naman natin kinakalimutan ang mga bayani. Ang mga bayani magiging bayani ‘yan kahit nasa pera ‘yan o hindi,” paliwanag pa ni Diokno, sa isang panayam sa teleradyo.

Binigyang-diin pa ni Diokno na ang agila ay sumisimbolo rin naman sa buong bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It was not an attempt to revise history. Hindi mo naman mapapalitan ang kasaysayan ng isang bansa,” pagpapatuloy pa niya.

Ipinaliwanag rin naman ni Diokno na ang pag-redesign sa perang papel ay dati naman nang praktis ng ahensya.

Nagpasya aniya silang gawing ‘fauna and flora’ ang disenyo ng mga perang papel ngayon dahil ito ang trend o uso sa ibang bansa.

Paliwanag pa ng BSP governor, nagdesisyon silang gumamit ng polymer sa paggawa ng perang papel dahil bukod sa mas cost-effective at environmentally-friendly na ito, ay mas ligtas pa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Hindi rin naman aniya nila inirerekomenda ang pag-spray ng alcohol sa mga perang papel dahil masisira anila ito.  

Mary Ann Santiago