Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes na ipagpapaliban muna nila ang pagsasagawa ng "Bayanihan, Bakunahan 2" program sa ibang mga lugar na maaapektuhan ng bagyong "Odette."
Paliwanag ni Duque na sa halip na isagawa ang "Bakunahan 2" sa nasabig mga lugar sa Disyembre 15-17, itutuloy na lamang ito sa Disyembre 20-22.
Binanggit nito ang abiso ng Philippine Atmopsheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng tamaan ng bagyo ang Southern Tagalog, Central at Eastern Visayas, at Northern Mindanao.
Nauna nang inihayag ng PAGASA na posibleng pumasok sa bansa ang bagyo ngayong Martes o Miyerkules, Disyembre 15.