Pumalo na lamang sa 235 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Martes, Disyembre 14.

Mas mababa ito kumpara sa 360 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas nitong Lunes, Disyembre 13.

Batay sa DOH case bulletin #640, nabatid na sa ngayon, ang total COVID-19 cases sa bansa ay nasa 2,836,868 na.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang naman o 10,526 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa mga active cases naman, 4,104 ang mild cases, 3,502 ang moderate cases, 1,868 ang severe cases, 659 ang asymptomatic at 393 ang kritikal.

Mayroon din namang 780 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,775,991 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.

Nakapagtala lamang rin naman ang DOH ng 10 pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 50,351 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.77% ng total cases.

Mary Ann Santiago