Nag-ulat ang Pasig City ng kabuuang 17 aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Martes, Dis. 14.

Ang pinakahuling tally ay kumakatawan sa 59 percent na pagbaba mula sa 41 kaso na naitala noong unang araw ng Disyembre.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na 20 sa 30 barangay sa Pasig ang walang naitalang kaso ng COVID-19.

Gayunpaman, 10 villages ay mayroon pa ring mga aktibong kaso kabilang ang Barangay Bagong Ilog, Caniogan, Kapasigan, Maybunga, Pinagbuhatan, Pineda, Rosario, Sta. Lucia, Sumilang, at Ugong.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 ay sa Barangau Rosario na may apat na aktibong kaso.

Seth Cabanban