Mahigit 7 milyong indibidwal na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang bakunado na laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi, Disyembre 13.

Sa ngayon, nakapag-administer na ng 92 milyong doses ang gobyerno na may daily vaccination output na 640,000 doses.

“This week, we are about to breach 100 million doses administered. Ang magandangsignificant headway po, Mr. President, is ‘yung vaccination ngminors with more than seven million already received the first dose,” dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa naturang bilang, nasa 2.1 milyong kabataan ang bumalik na sa vaccination centers para sa kanilang second dose, para maging fully vaccinated laban sa COVID-19.

“Gustong-gusto na po ng mga kabataan at saka ng kanilang mga magulang na mabakunahan na po ang ating mga minors so that they can start already the face-to-face [class] program. Parang nakita po natin talaga na ‘yung ating mga kabataan gusto na po ring makalabas,” ani Galvez.

Ang mataas na bilang ng mga menor de edad na nabakunahan ay dahil sa isinagawang“Bayanihan, Bakunahan” National Vaccination Daysnoong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

“More or less 60 to 80 percent ng mga vaccination site, karamihan po doon, Mr. President, is sa mga kabataan po," pagbabahagi ni Galvez.

Isasagawa ang ikalawang round ng nationwide vaccination drive sa Miyerkules, Disyembre 15 hanggang Biyernes, Disyembre 17.

Martin Sadongdong