May mensahe si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga Pilipino na naghinayang na hindi nakapasok sa Top 3 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na si Beatrice Luigi Gomez, na napanood nitong Disyembre 13 sa Pilipinas.

Umabot sa Top 5 si Bea kasama sina Miss Paraguay, Miss South Africa, Miss Colombia, at ang itinanghal na Miss Universe 2021 na si Miss India.

"Yakap mga kababayan (red heart) 2018 tayo last nag top 5. We should be proud of Bea! #70thMissUniverse #MissUniverse2021" ayon sa tweet ni Queen Pia.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Pia Alonzo Wurtzbach

Matatandaang noong 2019, napabilang lamang sa Top 20 semi-finalists ang kandidata ng Pilipinas na si Gazini Ganados na nakuha naman ang national costume award. Nitong 2020 naman, nakaabot si Rabiya Mateo sa Top 21 semi-finalists.

Ang huling Miss Universe ng Pilipinas ay si Catriona Gray noong 2018 na ginanap sa Thailand. Ilan sa mga hindi malilimutan kay Catriona ay ang mga ginamit niyang evening gown, lalo na ang 'Lava Gown' na inspired sa Bulkang Mayon. Isa rin sa mga tumatak sa kaniya ay ang slow mo twirl na naging trademark na niya.