Miss Universe fever continues!

Isang Malabon-based artist ang gumuhit sa pinakabagong Miss Universe titelholder na si Harnaaz Kaur Sandhu mula sa bansang India nitong Lunes, Dis. 13.

“India wins Miss universe 2021 title after 21 years! Congratulations! #HarnaazSandhu on winning the #MissUniverse2021 ?” ani Roimhie Damiano sa isang Facebook post.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Larawan mula kay Roimhie Damiano via Faceboook

Sa likod ng nakamamanghang scribble art, isang espesyal na adbokasiya ang nais din matugunan ni Roimhie dahilan para iguhit niya ang Indian beauty queen sa pag-asang umagaw ito ng atensyon at kalauna’y makalikom ng ilang donasyon o ng mga magkokomisyon sa kanyang obra.

Ayon sa Malabon artist, ang scribble portrait ni Harnaaz ay kabilang sa mga nais niyang ipagbenta upang makalikom ng halaga na kanyang ilalagak para sa isang proyekto ng non-profit organization na “EcoHumans. Inc.”

Sa darating na Dis. 19, ang taunang programang “Paskuhan sa Tribo 2021” ay ilulunsad ng grupo at kabilang si Roimhie sa mga volunteers.

Gaganapin ang paskuhan sa komunidad ng mga Aeta sa Tarlac.

Larawan mula EcoHumans Inc

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring magpadala ng mensahe o magtungo sa kanilang opisyal na anunsyo sa Facebook.