Isinusulong ni Senador Imee Marcos ang murang internet access para sa mga hikahos upang mas maraming Pinoy ang makapagtrabaho, makapag-aral at makapag-negosyo sa online.
Ang ‘socialized pricing mechanism’ o mekanismo para akmang presyo sa mga hikahos ang solusyon sa gitna ng mabagal na pagpapapalawak ng libreng wifi sa mahihirap na lugar, na puwede nang ipatupad ng gobyerno at mga kumpanya ng telekomunikasyon, ayon sa Senate Bill 2012 o ang "Public Telecommunications Policy Act of the Philippines."
Ang Marcos bill ay nagsasaad ng lifeline rate para sa broadband attagal ng paggamit ng data ayon sa pagkonsumong hindi bababa sa onegigabyte (1GB) kada buwan.
"Ang mga mababa lang ang kita na gumagamit ng internet ay mas nangangailangan ng higit sa mga paminsan-minsang mga mobile promo, lalo na't nagiging pangunahing pangangailangan na rin ang internet katulad ng tubig at kuryente. Magiging permanente na ang mga work-from-home, online classes, e-commerce at internet banking," ayon pa sa senador.
Leonel Abasola