Naniniwala ang mga Filipino netizen na bagama't hindi naiuwi ng kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ang korona ng Miss Universe, may apat na dahilan para masabing winner na winner pa rin ang Pilipinas sa naturang prestihiyosong patimpalak.

Una na rito ang pagkakasama ni Bea sa Top 5 finalists kasama sina Miss Paraguay, Miss South Africa, Miss Colombia, at Miss India na siyang kinoronohan bilang Miss Universe.

Manila Bulletin – The Nation's Leading Newspaper
Beatrice Luigi Gomez (Manila Bulletin)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pangalawa, ang pagkakapili kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang isa sa mga hurado ng all-demale selection committee. Puring-puri ang mga netizen sa taglay na ganda ni Marian, na anila ay puwedeng-puwedeng ilaban sa mga kandidata ng Miss U.

May be an image of 1 person and standing
Marian Rivera (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

Marian Rivera FB Live at Miss Universe 2021 Preliminary Competition -  YouTube
Marian Rivera (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

May be an image of 1 person
Marian Rivera (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

Pangatlo, halos mayorya ng crowd o audience sa venue ay puro Pilipino, na talaga namang nagpakita ng suporta sa kandidatang si Bea. Maging ang host na si Steve Harvey ay nagulat din sa crowd.

"We’re supposed to be Israel, we’re in Israel. This is Israel," pabirong sabi ni Harvey na muling naibalik bilang host sa taong ito.

Steve Harvey, Beatrice Gomez, at iba pang Miss U candidates (Larawan mula sa GMA News)

At syempre, 'tip of the iceberg' lamang ang mga Pilipino sa actual venue dahil sa Pilipinas, halos humihinto ang lahat upang mapanood ang laban ni Bea, at kahit na sinumang kandidata ng Pilipinas upang ipakita ang pagsuporta. Nakikihiyaw rin sa tuwing natatawag ang 'Ms. Philippines!' Sabog na sabog ang social media, lalo na ang Twitter, pagdating sa mga reaksyon, updates, tweets, at words of encouragement.

At pang-apat, bumida ang talento at husay ng mga Pinoy fashion designers dahil naibida at naipakita ang kanilang mga masterpiece na ginamit at isinuot ng ilang mga kandidata. Ang gowns ni Miss Universe 2020 Andrea Meza at gown ni Miss USA ay likha ni Michael Cinco. Ang gowns naman ni Bea ay likha ni Francis Libiran.

At syempre, isa sa mga highlight ay nang magwagi si Miss Nigeria para sa National Costume Award, na likha naman ni Kennedy Gasper, 21 anyos, mula sa lalawigan ng Isabela.

"After ko pong makita na katabi na ni Mr. Steve Harvey yung si Miss Nigeria ay sobrang lakas po ng sigaw ko at talon sa saya. Umiiyak po ako kanina habang kayakap ko po yung mama ko," pahayag ni Gasper sa panayam ng TV Patrol. Tagumpay rin umano ito ng mga nakasama at nakatulong niya upang buuin ang naturang kasuotan.

Miss Nigeria (Screengrab mula sa IG/Kennedy Gasper)

Bukod kina Michael, Francis, at Kennedy, ang iba pang mga Filipino designers na lumikha ng gowns na ginamit ng mga kandidata ay sina Louis Pangilinan na ginamit nina Miss Great Britain, Miss Honduras, at Miss Malta. Si Carl Andrada naman ang gumawa ng gown ni Miss Mauritius.

Si Ezra Santos naman ang gumawa ng gowns ni Miss South Africa na siyang 2nd runner up. Inirampa naman ni Miss Bahamas ang obra ni Garimon Roferos.

Kaya naman, panalong-panalo pa rin ang mga Pinoy!