Niyanig ng 5.3-magnitude na lindol ang bahagi ng Batangas nitong Lunes, Disyembre 13.

Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 5:12 ng hapon nang tumama ang pagyanig sa Calatagan kung saan ang epicenter nito ay natukoy sa layong 24 kilometro timog kanluran ng nasabing bayan.

Aabot din sa 99 kilometro ang nilikhang lalim ng paglindol.

Naramdaman din ang mahinang pagyanig sa Quezon City (Intensity 3) at Intensity 2 naman sa San Felipe sa Zambales.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Naitala rin ang Intensity 1Quezon City, Tagaytay City, Batangas City, at bahagai ng Calatagan.

Binalaan din ng ahensya ang publiko dahil sa posibleng maramdamang aftershocks nito.

Ellalyn De Vera-Ruiz