TACLOBAN CITY – Ipatutupad ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 8 ang kanselasyon ng land travel simula Dis. 14, 8:00 a.m., maliban sa mga nasa biyahe na sa nasabing panahon.

Sinabi ni Office of the Civil Defense 8 Regional Director Lord Byron Torrecacion, na layunin ng hakbang na maiwasan ang hindi kanais-nais na pag-akyat, paggalaw at pagtaas ng mga indibidwal at sasakyan sa mga daungan at terminal dahil sa pagkansela ng mga biyahe sa dagat dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon.

Dagdag pa niya, ito ay kaugnay din ng mga travel advisory na inilbas ng RDRRMC-5 at CARAGA.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Larawan mula Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 8

Gayunpaman, ang pagbiyahe sa mga karagatan patungong Rehiyon 5 at CARAGA ay magpapatuloy hanggang sa makatawid ang mga backlog o kung hindi man ay matigil dahil sa lagay ng panahon.

Sa inilabas na Tropical Cyclone Advisory on Tropical Storm “Rai” nitong Lunes, ika-5 ng hapon, tinatayang nasa 1,630 km East ng Mindanao ng sentro nito. Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 80 km/h at central pressure na 998 hPa.

Kumikilos ito ng pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility bilang isang severe tropical storm bukas ng gabi, Dis. 14.

Kapag nasa loob ng PAR, ang domestic name na “Odette” ay itatalaga sa bagyo.

Inaasahang liliko ang bagyo pankanluran at maaaring mag-landfall sa paligid ng Caraga o Eastern Visayas sa Huwebes, Dis. 16 ng hapon o gabi.

Marie Tonette Marticio