"Ipinanganak para sa korona."

Ito ang ilan sa mga nasabi ng pageant fans matapos ibalik ni Harnaaz Kaur Sandhu ang Miss Universe crown sa bansang India matapos ang 21 taon.

Sa edad na 21-anyos, hindi nagpatinag si Harnaaz at dinaig ang 79 iba pang naggagandahan at matagumpay na kababaihan sa buong mundo sa naganap na Miss Universe finals nitong Lunes, Dis. 13 sa Eilat, Israel.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Larawan mula Miss Universe Organization

Bata man kung maituturing, naging hasa na sa beauty pageants ang kandidata ng India. Sa katunayan, taong 2017 nang unang sumalang ito sa mundo ng beauty pageants. Kalauna’y nag-imbak ng ilang pambansang titulo si Harnaaz kabilang na ang Miss Chandigarh 2017, Miss Max Emerging Star India 2018 at Miss India Punjab 2019.

Sa kanyang karanasan, hindi naging kataka-taka na maiuwi ni Harnaaz ang korona bilang kinatawan ng India sa presihitiyusong international pageant noong Oktubre.

Naging inspirasyon ni Harnaaz ang kanyang ina na naging imahe ng pagbuwag ng patriyarkal na henerasyon matapos maging matagumpay na gynecologist. Dahil dito, lumaki ang Indian beauty queen sa ilang health camps sa bansa na layong tumulong at tumugon sa mga usaping pang-kalusugan ng kababaihan.

Kasalukuyang nag-aaral ng kanyang Masters in Public Administration, si Harnaaz ang isa ring Information Technology degree holder.

Maliban sa pagiging isang beauty queen, bumida rin sa ilang Punjabi films si Harnaaz. Sa katunayan, ang Indian actress at Miss World 2000 titleholder na si Priyanka Chopra ang kanyang tinitingala pagdating sa industriya, ayon sa kanyang profile sa Miss Universe website.

Bago pa ang coronation night, isa na sa mga binabantayang kandidata si Harnaaz. Siya rin ang top pick ng pageant community analyst Missosology.

“India’s Harnaaz Sandhu is the woman to beat at the 70th Miss Universe pageant. Not only did she live up to our expectations, she has also been consistent all throughout the competition. There is something unique about Harnaaz that made us believe that she can best represent the Miss Universe brand,” sabi ng Missosology.

“During the preliminaries, Harnaaz was stately but daring, beautiful yet sexy, and had excellent timing and great overall presentation. Aside from that, she has the gift of gab that the MUO is looking for in a spokesperson. India’s renaissance has finally arrived at Miss Universe, and Harnaaz has all the goods to seal it with a victory,” dagdag nito.

Taong 2000 nang huling masungkit ng India ang prestihiyusong korona sa katauhan ni Lara Dutta.

Kasama si Miss Universe 1994 Sushmita Sen, tatlo na ang MU titleholders sa bansang India.