Isang grupo na nagsusulong ng human rights agenda sa 2022 elections ang nag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang pangulo.
Sa isang pahayag sa midya sa naganap na pagtitipon sa Bantayog ng Mga Bayani sa Quezon City, ang #HRvote2022, isang grupo ang nabuo ngayong unang bahagi ng buwan kung saan tinawag si Robredo bilang “best people’s bet to defeat the Marcos-Duterte agenda.”
“Robredo likewise demonstrated a proven record of effective COVID-19 response, clean and accountable governance, and a respect for human rights,”sabi ng grupo.
Inendorso din nito ang senatorial bids nina Chel Diokno, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Leila de Lima, Teodoro Baguilat, Sonny Matula, Luke Espiritu, Neri Colmenares, at Samira Gutoc.
Sabi ng grupo, “among the candidates seeking a Senate seat, are individuals known to have advanced the struggle for human rights in and outside the halls of Congress, with clear, consistent, and proven track record of promoting and defending human rights.”
Idinagdag nito na tinatalakay pa rin niila sa mga miyembro ang karagdagang pag-endorso ng mas maraming human rights candidates.”
Jel Santos