Aabot na sa 364,000 ang fully vaccinated sa Muntinlupa, ayon sa pamahalaang lungsod.

Sa huling datos noong Disyembre 12, ipinakita na 363,688 na ang fully vaccinated o 94 porsyento ng target population na 385,725, na 70 porsyento ng tinatayang kabuuang populasyon ng Muntinlupa na 551,036.

Sa Barangay Alabang, 53,841 ang fully vaccinated; Ayala Alabang, 16,670; Bayanan, 23,813; Buli, 10,384; Cupang, 41,931; Poblacion, 63,866; Putatan, 58,845; Sucat, 32,211; at Tunasan, 42,925. Ang kabuuang na bilang na 19,202 na fully vaccinated na indibidwal ay klinasipika bilang "others."

Samantala, 10,519 na indibidwal ang nabakunahan na ng booster shots sa lungsod.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Umabot naman sa 16,743 na menor de edad ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna laban sa COVID-19, nirerepresenta nito ang 30 porsyento ng total population na 55,391 para sa age group.

Nasa 27,432 na menor de edad naman ang nakakuha ng first dose o 49.5 ng populasyon ng 12-17 taon gulang.