Binanggit ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Lunes, Dis. 13, ang patuloy na pagtaas ng vaccination rate ng mga estudyante, guro at non-teaching personnel sa tertiary level.
Sa ceremonial signing sa joint memorandum circular sa pagpapatuloy ng collegiate athletic training, nagbigay ng vaccination update sa tertary level si CHED Chairman Popoy De Vera.
Batay sa datos ng opisyal, 247, 604 sa 292,969 na mga teaching at non-teaching personnel sa higher education institutions (HEIs) sa buong bansa ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni De Vera na “85.81 percent ang mga nakatanggap na ng unang dosis.”
Samantala, binanggit ni De Vera na sa 4,099,519 na naiulat na bilang ng mga mag-aaral sa tertiary, "56.41 percent ang nakatanggap ng isang dosis” kung saan nangangahulugang 2,310,07 na ang bakunado.
“I’d like to thank our universities for helping us rapidly increase our vaccination rate,” sabi ni De Vera habang pinunto na mahusay na nakiisa ang mga unibersidad at kolehiyo pagdating sa mga alituntunin sa pagbabakuna sa mga estudyante at tauhan, bukod sa iba.
“We have universities helping the actual crafting of the guidelines because they know best what is needed at the ground level,” ani De Vera.
“I hope that we will continue to work together in any activity inside and outside the universities,” dagdag niya.
Merlina Hernando-Malipot