Hindi nagpahuli sa pagpapakita ng pagsuporta at pagbati kay Beatrice Luigi Gomez si Miss Universe 2018 Catriona Gray, para sa laban nito sa 70th Miss Universe na ginanap sa Israel nitong Disyembre 12 (Disyembre 13 sa Pilipinas).

Image
Larawan mula sa IG/Catriona Gray

Batay sa tweets ni Catriona, mukhang nanonood at nakasubaybay ito sa mga nagaganap, upang ipakita ang pagsuporta sa manok ng Pilipinas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"You made us so proud Bea!!!!" tweet ni Catriona kalakip ang isang online article mula sa isang news outlet na nagbabalita na napabilang sa Top 5 finalist si Bea, kasama sina Miss Paraguay, Miss South Africa, Miss Colombia, at Miss India na siya namang itinanghal at kinoronahan bilang Miss Universe 2021.

Beatrice Luigi Gomez (Screengrab mula sa Twitter/Catriona Gray)

Nagbigay rin siya ng komento sa Q&A portion, sa mga kandidatang natira sa Top 3, at sa final walk ni Miss Universe 2020 Andrea Meza.

"In fairness, I love the questions asked this year. #70thMissUniverse."

"INDIA and South Africa!!! #70thMissUniverse Sino yung bets nyo for the MU Crown?"

"Beautiful musical number for final walk… magical #70thMissUniverse."

"Queen @andreameza that final walk was beautifuuuuul, thank you for your reign. #70thMissUniverse."

Screengrab mula sa Twitter/Catriona Gray

Syempre, nagpaabot din siya kay Miss India na siyang Miss Universe para sa 2021.

"Congratulations INDIA, Harnaaz! Crown so well deserved! Can't wait to witness your reign. Welcome to the

@MissUniverse sisterhood! #70thMissUniverse."

Pinuri din ni Queen Cat ang batch ng Miss Universe candidates na may magaganda umanong kampanya at adbokasiya.

"Such a tough competition this year! Not only were there beautiful faces and great walks, but great spokeswomen who had well rounded campaigns, advocacies and missions. I'll always believe a Miss Universe should be well-rounded in all aspects. So proud of this batch!"

Screengrab mula sa Twitter/Catriona Gray

Si Miss Universe-India Harnaaz Sandhu ay pangatlong kandidata ng India na itinanghal na Miss Universe. Ang una ay si Sushmita Sen noong 1994 at pangalawa naman ay si Lara Dutta noong 2000. Makalipas ang halos 2 dekada ay muli nilang naiuwi ang korona.