Nagbigay ng mensahe si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kinatawan ng Pilipinas ngayong taon na si Beatrice Luigi Gomez nitong Linggo ng gabi, Dis. 12, ilang oras bago ang final coronation.

Tiwala ang dating kinatawan ng bansa sa kakayayan ni Bea na lumaban sa international stage.

"To @beatriceluigigmz, I just wanna let you know how proud I am of you. I believe na malakas talaga ang laban mo because I saw the fire in your eyes and felt the grit in your heart and spirit. Alam kong lalaban ka at ngayon palang panalo kana sa mata ng maraming Pilipino. Ilaban mo Bea para sa Pilipinas! Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat! ??????????" ani Rabiya sa Instagram kalakip ang larawan ng paglipat ng korona sa kanyang successor noong Setyembre.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Larawan mula Rabiya Mateo via Instagram

Sa loob ng isang dekada simula 2010, napanatili ng Pilipinas ang placement streak nito sa prestihiyusong Miss Universe pageant.

Ngayong umaga ng Dis. 13, gaganapin ang Miss Universe finals sa bansang Eilat, Israel.