Dumating na sa bansa ang unang batch ng mga Pinoy na kabilang sa naapektuhan ng lumalalang kaguluhan sa Ethiopia.

Ang nasabing mga Pinoy ay lulan ng Gulf Air na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City nitong Linggo ng umaga.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang 17 na Pinoy ay bahagi ng mga inilikas na manggagawa sa nasabing bansa bunsod na rin ng ipinaiiral na Level 4 na alert status dahil sa lumalalang kaguluhan sa mga lugar sa nasabing bansa.

Sumasailalim na ang mga ito sa pinakabagong quarantine protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force.

Bella Gamotea