LONDON, United Kingdom - Naitala na ang unang kaso ng pagkamatay ng isa sa nahawaan ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Britain.

Ito ang kinumpirma ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson nitong Lunes, kasabay na rin ng paglulunsad ng nasabing bansa ng kanilang booster shot program upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Sa kanyang pagbisita sa isang vaccination center sa kanluran ng London,sinabi ni Johnson na nagkaroon na sila ng 40 porsyento ng kaso sa kabisera ng Britain at tumataas na rin ang bilang ng naa-admit sa mga ospital.

"Sadly, at least one patient has been confirmed to have died with Omicron," pahayag nito sa mga mamamahayag pagkatapos niyang maglabas ng babala sa kanilang bansa na mahaharap sila sa malaking bugso ng hawaan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa kasalukuyan, aabot na sa 1,239 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa lugar, gayunman, nangangamba ang mga siyentista dahil dumudoble ang bilang ng kaso kada dalawang araw.

Idinagdag pa ni Johnson na kailagan na nilang magpatupad ng emergency measures upang maiwasang mapuno ng mga pasyente ang mga ospital sa susunod na mga linggo.

AFP