Inalerto na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Disyembre 12, ang mga residente ng Visayas at Mindanao sa posibleng paghagupit ng bagyo sa susunod na mga araw.

“‘Yung minomonitor nating bagyo ay may mas malaking tsansa na tumama at tumawid sa Visayas-Mindanao area in the next three to five days," paliwanag ni PAGASA senior weather specialist Chris Perez.

“Ngayon pa lang, inaabisuhan na natin ang ating mga kababayan sa Visayas, Mindanao, at maging sa southern Luzon na patuloy na mag-antabay sa update natin hinggil sa tropical depression na nasa labas pa ng ating area of responsibility," pahabol na pahayag nito.

Inilabas ng ahensya ang babala dahil sa pagtaya nito na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang sama ng panahon sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong1,955 kilometro silangan ngMindanao.

Probinsya

'Personal na tulong ko ito!' Rep. Leviste, mamamahagi ng 1M sako ng bigas sa Batangas

Taglay nito ang hanging 55 kilometersper hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang70 kph habang kumikilos pa-kalapa-kanluran sa bilis na 15 kph.

Kapag tuluyan nang nakapasok sa Pilipinas, papangalanan itong 'Odette'

“Historically speaking, may mga bagyo during this time of the year na may tendency talagang tumawid sa ilang bahagi ng ating bansa, particularly na sa Visayas at Mindanao,” dagdag pa ni Perez.

Ellalyn De Vera-Ruiz