Aliw na aliw ang mga netizen sa 'sagutan' nina 'Senyora' at Department of Transportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran sa Facebook, nitong Linggo, Disyembre 12, 2021.

Ibinahagi kasi ni 'Senyora' ang Facebook post ni Asec Libiran habang nasa swimming pool ito at nagbabakasyon dahil nga weekend naman at kailangan umano ito upang mag-recharge.

"Relax when you are weary. Freshen up, and reinvigorate your mind, body and spirit. Then get back to work. Have a blessed Sunday, everyone!" saad sa caption ng FB post ni Asec Libiran.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, may naisip na dapat gawin ng gobyerno kung 'di itataas suweldo

Screengrab mula sa FB/DOTr Asec Goddess Hope Libiran

May be an image of 1 person and pool
Screengrab mula sa FB/DOTr Asec Goddess Hope Libiran

Kaya naman, nag-react dito si 'Senyora'.

"Linggong-linggo!! Tigilan n’yo pag-tag sa akin dito! Ikaw Asec. Goddes namumuro ka na sa 'kin ha!! Dapat talaga eh walang rest day pag empleyado ng DOTr para di nakakapagbakasyon nang ganito," saad sa caption ni Senyora.

Screengrab mula sa FB/Senyora

Mukhang nakarating naman ito kay Asec Libiran kaya game na game siyang nakipagbiruan.

"Yung mga nang-tag kay Senyora diyan, ayos kayo ah. Nagalit tuloy sa 'kin!" komento ni Asec Libiran sa mismong FB post niya.

Maya-maya, sumagot naman si Senyora: "Block ka saken."

At nag-reply kaagad si Asec: "Hollow block."

Ayon sa mga netizen, 'na-insecure' si Senyora dahil sa kagandahan ni Asec Libiran.

"You are so pretty ma'am inggit lang si Senyora, bahagian mo kàya nang konti para magkaron naman flat naman talaga yung harap eh."

"Beastmode ang peg ni Senyora hahahaha, nakakita kasi ng mas maganda sa kaniya."

"Seeing your smile makes us smile, thank you for the hard work in the service of the Filipino people!"

"Senyora, kapag inggit, pikit! Hahaha."

May be an image of 1 person, outdoors and pool
Senyora (Larawan mula sa FB/Liza Reyes Francisco)

Matatandaang noong 2020 ay pinag-usapan ang panonoplak ni Asec Libiran kay Kapamilya actress Angelica Panganiban, dahil sa komento ng aktres hinggil sa pagresponde ng pamahalaan sa mga nasalanta at biktima ng bagyong Rolly.

"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos-kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga Pilipino," tweet ni Angge.

"Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang," tirada ni Asec Libiran sa aktres.