Viral sa Facebook ang nakakatawang post ng sikat na online personality na si John Steven Soriana o mas kilala bilang si Nurse Even kung saan tila makikita siyang nag-aayos ng buhok ni Kapuso star Marian Rivera sa naganap na preliminary competition ng Miss Universe 2021 pageant.

Ngunit si Nurse Even nga ba ang nasa larawan?

Confirmed na instant meme lang ito. Matapos ang agaw-atensyon na pag-upo ni Marian sa hanay ng selection committee ng prestihiyusong international pageant, nakisakay din sa public mileage ang staff ng Primetime Queen matapos mapansin ng fans ni Nurse Even na kamukha nito ang online personality.

“Wag nyo akong kausapin. Busy ako sa buhok ni Miss Marian. Mga kikinang kinang kayo! Happy?” nakakaaliw na Facebook caption ni Nurse Even,

Biro pa niya, “oncall” siya para maging bahagi ng staff ng Miss Universe judge na si Marian.

Kyline Alcantara, sumaklolo sa mga apektado ng fuel price hikes

Dahil dito, inulan ng nakaaliw na comments ang naturang post ni Nurse Even.

“Kala ko ba nasa ospital ka lang? Dinaig mo pa si Mareng Jessica na mabilis lumipad kasama ang kanyang team. PART TIME JOB YARN? HAHAHAHA” sabi ng isang netizen.

May napansin naman ang isa pang netizen sa suot ng staff ni Marian sa viral na larawan na kahalintulad sa uniporme ng nurse.

“Hindi ka pa nagpalit ng damit from duty sa ospital to hairstylist.. sana man lang nag gown ka, OR Gown!”

“Nurse sa umaga, parlorista sa gabi,” segunda ng isa pang Facebook account.

“Raketera of the Year!!! Paging Nurse Even.....bilisan mo daw need ka sa ER... balik ASAP from Israel to UK,” nakakaaliw pang komento ng isa pang Facebook user.

Isang komento pa ang tila real-life ang reference sa kalagayan ng mga nurse.

“Ganyan talaga buhay ng Nurse. Kinulang sa sahod, ayun may ibang raket??” sabi ng isang netizen.

Nakilala si Nurse Even sa kanyang nakakaaliw na contents online na kadalasa’y tungkol sa kanyang karanasan sa kanyang mga pasyente o magulang ng pasyente.