Ang National Capital Region (NCR) at Quezon City pa rin ang nangunguna sa mga lugar sa bansa na nakakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa kanyang Twitter account, nitong Disyembre 11, 2021, ang NCR pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa mga rehiyon at lalawigan, sa bilang na 85 na lamang.

Sumunod naman ang South Cotabato, Negros Occidental, at Bulacan, na pawang nakapagtala ng tig-14 bagong kaso; Iloilo na may 13 kaso; La Union at Isabela, na may tig-12; Cavite, na may 11; Ilocos Sur, na may 10; Cebu, na may siyam na kaso; Bataan, Tarlac, Cagayan, at Benguet, na may tig-walong kaso; at Rizal, Zamboanga del Sur, Davao del Norte, Oriental Mindoro at Batangas, na may tig-anim na kaso.

Samantala, ang Quezon City pa rin ang nangunguna sa mga lungsod at munisipalidad na nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19, sa bilang na 22 na lamang.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Sumunod naman ang Maynila na may 17; Ajuy, Iloilo, na may 10; Taguig City na may 8; Las Piñas City, Bacolod City at Valenzuela City na may tig-anim; Pasay City, Zamboanga City, Muntinlupa City, Caloocan City at General Santos City na may tig-limang bagong kaso; San Fernando City (La Union), General Trias, Cavite, La Trinidad, Benguet, at San Jose del Monte, Bulacan, na may tig-apat na kaso.

Ayon kay David, ang datos na ito ay awtomatikong kinukuha mula sa DOH Data Drop at ang anumang discrepancies sa data dahil sa error, reporting lag at iba pa, ay dapat na kaagad na i-addressed sa Department of Health (DOH).

Mary Ann Santiago