Inamin ng actor-singer-model na si Markki Stroem na kinabahan siya sa kaniyang pagrampa sa runway ng Arab Fashion Week na isinagawa noong Oktubre 28, 2021 sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, kinabahan si Markki dahil ang ipinasuot sa kaniya sa rampa ay isang cape, underwear, at naka-high heels na pink. Knowing na bawal sa mga bansang Arabyano gaya ng UAE ang cross-dressing.

Markki Stroem (Screengrab mula sa IG/Markki Stroem)

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Pero nagulat daw siya sa responses na nakuha niya sa mga kapwa modelo. Inihalintulad pa siya kay Ken na boyfriend ng manikang si Barbie. Nakatulong umano ang mga pagbati at paghanga ng mga kapwa modelo upang mawala ang kaba niya at maging komportable sa gagawin niya.

Iyon nga lang, nag-agam-agam si Markki na baka bigla na lamang siyang hulihin ng mga pulis at ikulong. Aniya, iyon daw kasi ang ibinigay ng designer na nagmula naman sa States. Iba raw ang nakita niya sa sample na susuutin niya sa aktuwal na ibinigay sa kaniya.

“Initially, yung sinubmit ng designer was three-inch heels, at naka-close yung cape. Kasi may cape, di ba? Hindi kita yung underwear. Kasi bawal yung underwear, bawal din ang cross-dressing. Double whammy! But the thing is… dahil ginawa ko 'yun, grabe! Ang daming supporters ng fashion world, from all over the world who were so fascinated by what I did in Dubai," pagbabahagi ni Markki.

Kinausap naman daw ang Filipino fashon designer na si Michael Cinco tungkol sa nangyari. Sinabi naman ni Michael kay Markki na wala siyang dapat ipag-alala dahil ang may kasalanan sa nangyari ay mismong designer.

“Because it’s a private event, wala silang masasabi. It’s a private fashion week. So, the thing is, hindi ko puwedeng i-tag ang D3, which is Dubai Design District.”

Napag-alaman din na siya lamang ang lalaki na rumampa sa naturang fashion show.

“Yeah. Ako yung closing ng show. Puro babae and then, ako yung last. You know what, at the end of the day, I’m a dangerous person!” pahayag ni Markki.

"I do not give an F! So like if you want me to do that, I will promote the queer culture. I will do that. I will promote Harry Styles’ andro movement. We wanna be able to show the world that if women can wear men’s clothing, men can wear women’s clothing as well. And that’s completely fine. If you wanna do it, you can do it and there’s no shame in that," dagdag niya sa panayam ng PEP.

Si Markki Stroem ay isang Filipino-Norwegian na unang nakilala bilang contestant sa season 1 ng 'Pilipinas Got Talent' o PGT ng ABS-CBN noong 2010.