Naitama na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Linggo ang spelling at formatting ng scientific name ng Philippine eagle sa kumalat na larawan ng bagong labas na ₱1,000 banknote.

“The BSP clarifies that the recently circulated photo of the new banknote was of a sample previously sent to the BSP for review.Necessary corrections have already been made, including the spelling anditalicizingof the scientific name of the Philippine eagle,” ayon sa inilabas nilang pahayag nitong Linggo, Disyembre 12.

Nauna nang pinuna ng ilang social media users, kabilang si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang ilang pagkakamali sa bagong disenyo ng ₱1,000 banknote.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Zarate na ang scientific name ng Philippine eagle ay "Pithecophaga jefferyi" at hindi "Pithecophegajefforyi"na nakalagay sa kumalat na larawan ng naturang banknote.

Dapat dinaniyang naka-italicize ang naturang scientific name dahil ito ay nakasulat sa salitang Latin at kailangang ma-differentiate mula sa salitang Ingles.

“This is one of the rules in the proper writing of scientific names,” ani Zarate.

Matatandaang nitong Sabado ay isinapubliko na ng BSP ang bagong disenyo ng ₱1,000 banknote na may Philippine eagle sa harapan, kapalit ng mga larawan ng mga bayaning sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda.

Nakatakdang ilabas sa sirkulasyon ang naturang bagong banknote sa Abril 2022.

Mary Ann Santiago