Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa at posibleng mabuo ito bilang bagyo sa loob ng 24 oras.
Sa abiso ng PAGASA nitong Linggo, huling namataan ang LPA sa layong2,140 kilometro silangan ngMindanao, ayon kay weather forecaster Ezra Bulquerin, ng PAGASA.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng pumasok sa bansa ang bagyo sa Martes, Disyembre 14 at ito ay papangalanang "Odette."
Malaki aniya ang posibilidad na humagupit ang bagyo saEastern Visayas o Caraga sa susunod na mga araw kaya inalerto ng ahensya ang mga residente sa mga natukoy na lugar.
Sinabi ni Bulquerin na kasalukuyang umiiral sa bansa ang shear line otail-end ng frontalsystem at amihan o northeast monsoon.
Sa susunod aniya na 24 oras, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms saCalabarzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, at Romblon.
Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan saCagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Aurora dulot ng amihan habang makararanas naman ng light monsoon rain sa Metro Manila,Ilocos Region, atiba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region and Central Luzon
Babala pa ng PAGASA, malaki ang posibilidad na magkaroon ng flashflood at landslide sa mga nabanggit na lugar.
Ellalyn De Vera-Ruiz