Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang isinagawang Marcos-Duterte caravan ngayong Linggo, Disyembre 12 ay maliit lamang ang naging epekto sa trapiko dahil sa wastong koordinasyon kaya maayos na naisagawa ang mga aktibidad.

"Based on our assessment, the mega caravan launched by the supporters of Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio was orderly," sabi ni MMDA General Manager Atty. Romando Artes. 

Ayon pa kay Artes, "It was a result of proper coordination among the concerned parties and organizers' commitment to self-policing." 

Base sa monitoring, nagdeploy ang mga organizer ng kanilang sariling marshals, isang linya o lane lamang ang naokupahan ng mga lumahok sa motorcade at natapos ang aktibidad ng 9:00 ng umaga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"This proved that proper coordination anchored with proper implementation and execution produces a positive result," sabi nito.

Ipinatupad din ang "no dayoff, no absent" policy para sa MMDA traffic enforcers upang siguraduhing maayos ang daloy ng trapiko sa kasagsagan ng motorcade caravan. 

"We recognize the efforts of our people, Philippine National Police and all concerned government officials, the organizers as well as the participants involved," dugtong ni Artes. 

Aabot sa 900 na sasakyan kabilang ang  mga motorsiklo, kotse, bus at SUVs ang sumali sa caravan.

Samantala, umapela ang MMDA official sa mga organizer ng motorcade at caravan na sumunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

"The same standard and procedure will be applied to all applicants for rally permit regardless of political party," ani Artes.  

Sa listahan ng itinakdang mga guidelines, ang MMDA ang siyang magregulate, mag-evaluate, at mag iisyu ng mga permit para sa motorcades at caravans sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ang mga nakakasakop na local government units ang siyang mamahala o in charge sa mga aktibidad sa lahat ng ibang mga kalsada.

Ang mga motorcade at caravan ay papayagan lamang sa tuwing weekends at holidays sa pagitan ng 5:00 ng madaling araw hanggang 10:00 ng umaga.

"The organizers should mobilize their own marshalls and secure permit from LGUs. They should finish the motorcade at 10 am. Also, motorcade participants should stay in designated lane to avoid inconvenience to the motoring public," sabi ni Artes. 

Aniya ang mga organizer ng ganitong mga kaganapan ay kailangang mag-apply ng Roadway Private Utilization Permit (RPUP) sa MMDA at concerned LGUs. 

Kailangang ilagay sa kanilang aplikasyon ang buong detalye ng kanilang event kasama na rito ang pangalan ng event, organizations na lalahok, petsa,oras,ruta,tinatayang bilang ng sasakyan, programa ng mga aktibidad at ibang kaugnay na detalye.

Ang aplikasyon para sa permit ay dapat na isailalim sa ebalwasyon at inisyu ng MMDA at concerned Metro Manila LGUs, na may konsiderasyon ng traffic management plan at pagbibigay ng impormasyon sa publiko at  awareness campaign na intensiyon nito.

Ang organizers ng motorcades at caravans ay dapat sumunod sa kaukulang batas gaya ng  Republic Act No. 4136 (Land Transportation and Traffic Code) alituntunin at regulasyon ng Land Transportation Office and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board maging ng mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol sa COVID-19 minimum public health standards.

 

Ang anumang paglabag na magagawa o material misrepresentation sa aplikasyon ay magsisilbing batayan sa suspensiyon, kanselasyon o  revocation ng RPUP. 

Bella Gamotea