Umiikot ngayon ang chika na may bago na umanong karelasyon ang award-winning actor at bagong Kapusong si John Lloyd Cruz.
Ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin, ang jowa umano ni JLC ay ang apo ng award-winning cartoonist, illustrator at fine arts painter na si Mauro Malang Santos, na isa ring pintor. Siya ay si Isabel Santos.
“Alam ko si Tita Nene Ulanday ay mabubulabog tungkol kay John Lloyd Cruz. Marami pong umiikot na kuwento ngayon na may bago na pong karelasyon itong si JLC at ito raw po ay isang pintor," wika ni Cristy sa kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika.
“Tita Nene, anak ni Soler at saka ni Mona ang sinasabing girlfriend niya ay si Isabel Santos. Siya po ay apo ng namayapang magaling na pintor na si Ginoong Mauro Malang Santos."
“Kaya pala lately ang daming nagsasabi sa akin na, ‘Uy ang hilig-hilig na sa obra ni John Lloyd Cruz, marami na siyang ano collections. Iyon pala siguro nga malapit sila nitong si Isabel.”
Sa opinyon naman ng dalawa ay parang hindi umano nababagay sa isa't isa ang dalawa.
“Hindi ko gusto ‘yung picture ni Isabel parang ang lungkot-lungkot, napakalungkot parang hindi sila bagay ni John Lloyd," pahayag ni Cristy.
Habang nagpapalitan ng kuro-kuro ang dalawang hosts ay may biglang nag-text kay Cristy. Mukhang ito ay Nene Ulanday. Binasa niya ang mensahe.
“Tita (Cristy), confirmed na sila (JLC at Isabel) na nga. Madalas nga si John Lloyd ngayon kina Soler. Si Soler at si Mona ay pintor, anak at manugang ni Ginoong Mauro na dakilang magulang naman ni ano," nasasaad sa text message.
“Ayan tita Nene kinumpirma mo na ha. Naku baka makipagputulan ka rin ng daliri rito tulad kay Derek (Ramsay) at kay Ellen (Adarna) ah?,” biro pa ni Cristy.
Kung titingnan nga ang Instagram account ni Isabel Santos, may ilang mga larawan na makikita ang isang nakatalikod na lalaki, na mahihinuhang si JLC.


Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula mismo kay JLC o kay Isabel Santos.