KAPANGAN, Benguet – May potensyal na maisulong ng Pudong Cassava Growers Association (PuCaGA) na maging One Town One Product (OTOP) ang kanilang munting livelihood sa darating na panahon.

Ang bayan ng Kapangan ay isa 4th class municipality sa lalawigan ng Benguet, na kilala sa mga produkto kagaya ng pipino, kape, citrus na katulad ng oranges, suga at lemon na ilan lamang sa mga OTOP ng nasabing bayan.

Probinsya

Lalaking nabokya sa E-Bingo, nag-amok at nagnakaw sa pasugalan

Personal na binisita ni Women Advocate Marie Rose "Betbet" Fongwan-Kepes, ang Barangay Pudong sa Kapangan, na hometown ng kanyang yumaong si Congressman Nestor Fongwan, para tugunan ang isinusulong na livelihood ng PuCaGa.

Ipinagmalaki ni PuCaGa Saturnina Dagas, first cousin mismo ni Cong. Fongwan sa kanyang pamangkin na si Betbet, na sa ngayon ang Kapangan ay mayaman sa tanim na Cassava (Kamoteng Kahoy), na siyang pangunahing livelihood ng mga residente ng Barangay Pudong.

Ayon kay Dagas, hangad nilang mapa-unlad at mapalago ang kanilang produksyon ng cassava cake sa pamamagitan ng mga makabagong makinarya na makakatulong sa packaging at preserbasyon nito at maisama ito bilang OTOP ng Kapangan.

“Napakagandang livelihood ito, dahil pagkain, madaling ibenta at mura lamang,kaya agad-agad ay pantawid gutom. Isasama ko sa programa ko na maisulong ang livelihood na ito,hanggang sa maging OTOP ito ng Kapangan, upang maingganyo pa ang ibang residente na mapalakas ang produksyon nito,” pahayag ni Betbet.

“Umaasa pa rin ako na mabibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan ang mga maliliit na asosasyon na may potensyal sa kanilang mga livelihood na maingat ang kanilang kalidad upang maging sagana ang lalawigan sa mga produkto mula sa talento ng mga katutubo,” dagdag pa niya.

Zaldy Comanda