Isang buwan matapos ikasal ang Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, may ipinaliwanag ang aktres sa isang Youtube vlog.
Sa Pilipinas, karaniwang kinukuha ng babae ang apelyido ng kanilang napangasawang lalaki. Sa kaso ni Carla, hindi niya ito magagawa sa lalong madaling panahon.
Sa isang Youtube vlog kung saan nagdiwang ang freshly married couple ng kanilang isang buwang pagsasama, ibinahagi ni Carla ang rason kung bakit hindi niya makukuha ang apelyido ni Tom sa ngayon.
“None of my IDs say Mott [apelyido ni Tom]. For the longest time, it's going to stay Abellana because my passport says Abellana and it's valid for ten years,” paliwanag ni Carla.
“Bagong bago lang ang aking passport. Kaka-renew lang so Abellana pa 'yun for the next 10 years. All my government-issued IDs are still Abellana so I have to write Abellana pa rin,”dagdag niya.
Hindi naman ito big deal para kay Tom.
“As if I care,” maririnig na sinabi ni Tom habang nagpapaliwanag si Carla.
Ipinagdiwang ng mag-asawa sa isang intimate dinner date ang kanilang first month as a couple sa isang restaurant sa Paranaque.
Matatandaang ikinasal ang Kapuso couple sa San Juan Nepomuceno Parish Church noong Oktubre.