Sa kumakalat na maikling clip sa social media kung saan makikita ang mga kaibigan ng kasalukuyang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage, inamin ng non-showbiz boyfriend nitong si Kelvin Simbulan na nagselos siya sa naging malapit na ugnayan ng kanyang karelasyon sa kapwa housemate na si Eian Rances.
Sa pahayag ng netizen na binasa ng kaibigan nina Brenda at Kelvin, isang reaksyon ang lumabas sa bibig ni Kelvin.
“Hindi dapat magselos kay Eian kasi naamoy ko siya, alam niyo na,” sabi ng netizen na agad namang sinegundahan ng isang tanong ng kanilang kaibigan kung nagseselos nga ba si Kelvin sa namuong ugnayan ng dalawa sa PBB house.
“Konti pero bakla si Eian,” diretsang sagot ni Kelvin dahilan para magtawanan ang grupo.
Matatandaang naging malapit sa isa’t isa si Eian at Brenda kamakailan kung saan humantong pa sa tawagang “baby shark” ang dalawa.
Samantala, ika-54 na araw na pananatili ni Brenda sa PBB, isang mensahe ang natanggap nito mula kay Kelvin matapos mapagtagumpayan ang isang task.
“Wag ka nang malungkot sa bahay ni kuya. Nandito lang kami ni Chuchay [furbaby] at ang gwapong-gwapo ko. I love you sayo babe. I miss you. Galingan mo palagi,” sabi ni Kelvin sa isang audio-visual message.