Kumpiyansa si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno na handa na si Vice Mayor Honey Lacuna na maging susunod na alkalde ng lungsod dahil ‘battle-tested’ na aniya ito.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde habang namamahagi ng tulong pinansyal sa may 197 pamilya na nawalan ng tirahan dahil sa sunog na naganap sa Sagrada Familia sa San Andres.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Moreno sa mga residente na kahit siya ay nasa ‘listening tour’ sa labas ng Maynila, ang kanyang trabaho sa City Hall ay nagpapatuloy ng 24/7.

“Basta dito sa Maynila, tayo ay walang tulugan. At saka magaling ako, masuwerte ako sa vice mayor eh. ‘Yung Vice Mayor ko, battle-tested. Si Vice Mayor Honey Lacuna,” pagmamalaki pa ng alkalde, tungkol sa bise alkalde.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Binigyang-diin din ni Moreno na alam na alam ni Lacuna ang kanyang trabaho bilang bise alkalde ng lungsod, gayundin ang pagiging susunod na alkalde ng lungsod.

Si Lacuna ay tumatakbo bilang alkalde ng Maynila upang maging kahalili ni Moreno. Ka-tandem nito si Congressman at House Deputy Majority Leader Yul Servo bilang vice mayoral candidate.

Tinitiyak naman ni Moreno na ipagpapatuloy ni Lacuna ang mga pro-people programs na kanilang sinimulan nang sila ay kapwa manungkulan bilang dalawang mataas na opisyal ng lungsod.

Ayon kay Moreno, walang sinuman na makapagpapatuloy ng kanyang mga sinimulan sa kanyang administrasyon maliban kay Lacuna.

“She will continue to build more housing, more hospitals, more schools and ‘yung mga ayuda ng Manilenyo, ‘yung allowances ng senior ko, PWDs, solo parents, K to 12 students at mga nasa kolehiyo,” pagtitiyak ni Moreno.

Bukod pa dito, tiniyak rin ni Moreno na itutuloy ni Lacuna ang lahat ng tulong na ipinamamahagi sa tuwing Kapaskuhan at sa panahon ng kalamidad, gayundin ang mga infra development, paglikha ng mga open green spaces, mga parke at greeneries sa buong Maynila.

“She (Lacuna) knows everything already. She knows what to do kasi she was part of it. She is part of it. Lagi shang nasa beta ko, nanka at sa wakali kaya lagi siyang kasama,” aniya pa. “She (Lacuna) knows everything very well because most of these projects naman passed through the council. Approved by the city council through her leadership, aided by majority floor leader Joel Chua and president pro tempore Jong Isip.”

Mary Ann Santiago