Inamin ni Kapamilya actress Barbie Imperial na nagkaayos na sila ng kapwa aktres na si AJ Raval, matapos ang ilang hindi pagkakaunawaan. Matatandaang ilang linggo na rin silang pinuputakti ng mga showbiz intriga at pinagpipiyestahan ng mga 'Marites'.
Sa inilabas na panayam ng ABS-CBN News, isinalaysay ni Barbie na siya mismo ang tumawag kay AJ matapos siyang makatanggap ng unsent message sa Viber, na nagmula rito.
Matatandaang nagsimula ang patutsadahan sa pagitan ng dalawang aktres nang ilabas ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza ang kaniyang showbiz chika na nililigawan umano ni Diego Loyzaga, boyfriend ni Barbie, ang kaniyang katambal na si si AJ sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax.
Sa panayam naman ni Tito Boy Abunda noong Nobyembre kay Barbie, pinasaringan ni Barbie si AJ dahil sa halip umano na magsalita ito tungkol sa isyu upang linisin ang pangalan, eh nananahimik ito. Kung hindi raw talaga totoo na 'kabit' siya ni Diego, dapat daw na magsalita na ito dahil hindi naman umano siya gusto ng boyfriend niya.
“For me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” Gusto mo maging kabit? Eh, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko," kontrobersyal na pahayag ni Barbie.
Ibinahagi pa ni Barbie na dati raw silang magkaibigan ni AJ dahil girlfriend ito ng kaniyang bestfriend na si Axel Torres.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/barbie-kay-aj-raval-kung-hindi-ka-kabit-magsalita-ka/
Isang araw, pagkatapos nito, isang meme ang ibinahagi ni AJ na lalong nagpasiklab sa isyu, at sinasabing patutsada umano ni AJ kay Barbie.
Maging ang showbiz columnist na si Cristy Fermin ay 'nakisawsaw' na rin sa isyu at nagbigay ng payo kay Barbie na wala pa itong karapatang magbansag ng 'kabit' o mistress sa kahit na sinumang babae dahil hindi pa naman daw umano sila kasal ni Diego. Sinabi pa niya na isaksak pa ni Barbie sa baga niya si Diego.
Kamakailan lamang ay binasag na rin ni AJ ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu.
“Si Diego po, hindi po, never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego," aniya. "One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po," ani AJ sa panayam sa kaniya ng 'Pika Pika'.
Inamin din ni AJ na wala rin silang relasyon ni Aljur Abrenica, na eventually ay kasal pa rin kay Kylie Padilla, kung titingnan sa legalidad.
Ipinagtanggol din ni Teresa Loyzaga, ina ni Diego Loyzaga, si AJ Raval. Aniya, hindi raw deserve ni AJ na makatanggap ng kritisismo sa iba't ibang mga tao. Nakilala raw niya si AJ at sa palagay niya ay nice girl ito.
At mukhang natuldukan na nga ang hindi pagkakaunawaan nina Barbie at AJ na sana ay hindi na lumala at madugtungan pa, lalo't nagsalita na ang mga taong involved.