Balak ni AJ Raval na ipatapyas o ipatanggal na ang kaniyang breast implants sa 2022 dahil hindi raw siya komportable rito.

Inamin ni AJ sa naganap na virtual media conference noong Huwebes, Disyembre 9, para sa pelikulang 'Crush Kong Curly' ng Viva Films katambal si Wilbert Ross, na nagpalagay siya ng karagdagang bigat at laki ng boobs batay sa mungkahi ng isang kakilala. Mukhang na-excite naman ang lola ninyo kaya 'gomora' na siya.

Noong una raw ay masaya naman siya sa naging resulta, kaya lang, bigla siyang nagkaroon ng mga 'pagninilay' kaya balak niyang ipatapyas na ito sa 2022.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

AJ Raval (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Dati naman daw, hindi naman siya conscious sa mga 'madibdibang' usapan kaya gusto niyang ibalik ang dating 'freedom' para sa sarili niya.

Kung may ipatatanggal siya, may panibago naman siyang target na ma-enhance at ito ay ang kaniyang balat. Goal raw niya na magkaroon ng makinis na kutis. Bata pa lamang daw siya ay lagi na siyang nadadapat at nagagalusan na nag-iwan ng 'chismis' sa kaniyang balat. Hanggang ngayon daw na lumaki na siya, nahilig siya sa mga physical activity gaya ng jetski, Muay Thai, ATV, kaya lagi siyang nasusugatan at nag-iiwan ng marka sa kaniya.

Anyway, available na sa Vivamax ang pelikula nila ni Wilbert Ross na 'Crush Kong Curly'.