Naitala ng Department of Health (DOH) ang 402 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Linggo, Disyembre 12.
Umabot na sa 2,836,592 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa.
Sa naturang bilang, 11,255 nananatiling aktibo. Sa mga ginagamot, 4,334 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,683 ang moderate symptoms, 1,961 ang severe symptoms, 876 ang asymptomatic, at 401 naman ang kritikal.
Naitala rin ng DOH ang 509 new recoveries kaya't umakayat na sa 2,775,057 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Kinumpirma rin ng DOH ang 184 na mga namatay sanhi upang umabot sa 50,280 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.
Analou de Vera