Nakauwi na sa bansa ang dalawang Pinoy na nagkaproblema mula sa Turkey at Czech Republic matapos silang matulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinalubong sila ng mga tauhan ng DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs nang dumatingang mga ito sa bansa nitong Disyembre 9.

Ayon sa DFA, kabilang sa dalawang Pinoy na umuwi sa Pilipinas ang isang babae na nakakuha ng medical repatriation at sinamahan ito ng isang Assistance to Nationals (ATN) officer mula sa Philippine Embassy sa Ankara.

Ang ikalawa naman ay na stranded sa Istanbul ng ilang araw nang tanggihan ng airline na maiuwi ito sa Pilipinas nitong Nobyembre 30 dahil nanggaling ito sa sa Czech Republic kung saan ito nasangkot sa vehicular accident kamakailan.

Bella Gamotea