Sinabi ng Department of Health (DOH) na wala pang nauugnay na pagkamatay sa bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) simula nang maglunsad ang gobyerno ng vaccination program nito noong Marso.

“Hanggang sa ngayon, wala pa pong naitatala na base sa evaluation ay nagkaroon ng direct link o talagang nakita doon sa causality assessment na yung mga pagkamatay ay dahil sa bakuna. Wala pa tayong naitatalang ganyan based on the experts’ evaluation,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing nitong Sabado, Dis. 11.

Batay sa datos ng Food and Drug Administration (FDA) noong Dis. 5, “kabuuang 80,644 na pinaghihinalaang ulat ng masamang reaksyon ang natanggap, at nasuri” ng ahensya. Sa kabuuan, 76,567 ang itinuring na “non-serious” na mga kaganapan habang 4,077 ang itinuring na mga “serious events.”

Ang kabuuang bilang ng mga masamang reaksyon ay kumakatawan lamang sa 0.9 percent ng 91.7 milyong COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa Pilipinas mula Dis. 5, ayon sa FDA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Iniulat din ng FDA na 1,538 na “fatal events were received” noong Dis. 5.

Nabanggit nito na “ang mga ulat ng fatal events ay hindi nangangahulugang ang bakuna ang sanhi nito. Ang mga nakapailalim na kondisyon o dati nang kondisyong medikal na nagdudulot ng fatal events ay karaniwang nagkataon sa paggamit ng bakuna.”

“Most of these events occurred in persons with multiple existing comorbidities. These include cardiovascular diseases, ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, cancer, diabetes, and infections including pneumonia. There were cases of confirmed COVID-19 infections leading to severe cases with fatal outcomes,”dagdag nito.

Sa mga nabanggit na pagkasawi, 180 ang nahawa ng severe COVID-19 habang “most of the fatal reports have not yet completed their vaccination course,” ayon sa FDA.

“Upon assessment, these cases were not related to the use of the vaccine, but these were actual COVID-19 natural infections,” sabi ng FDA.

Sinabi ng FDA na ang mga bakuna ay hindi naglalaman ng “anumang live virus at samatuwid ay hindi nagiging sanhi ng impeksyon ng COVID-19 sa mga tumatanggap ng bakuna.”

Muling ipinunto ng DOH na ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa COVID-19.

“Lahat ng bakuna na meron tayo dito sa ating bansa napatunayan na na it’s safe and effective especially against severe infections and deaths,” sabi ni Vergeire.

Analou de Vera