Dahil sa pagkakaiba ng kultura at relihiyon, piniling hindi magpakita ng balat ang kandidata ng Bahrain na si Manar “Jess” Deyani sa Miss Universe preliminary swimsuit round.

Habang ang lahat ng kandidata ay nagpasiklaban sa kanilang nagseseksihang katawan suot ang one-piece o two-piece swimwear, confident na rumampa si Jess suot ang itim na jumpsuit sa swimsuit preliminary round ng kompetisyon.

Sa kabila nito, mainit pa rin ang naging pagtangkilik ng audience kung saan maririnig ang hiyawan nito sa kanyang presentation.

Si Jess ang kauna-unahang kandidata ng Bahrain sa kompetisyon. Isang aspiring fashion designer si Jess na kasalukuyang nagsasanay sa American University sa Emirates.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang kandidata ay napaulat ding pinakamaliit na kandidata sa kasaysayan ng kompetisyon.

“I maybe the shortest candidate in the history of Miss Universe but I stand tall representing a country of love, peace and kindness – your first ever Miss Universe Bahrain,” ani Jess sa isang Instagram post.