Maaari nang magliwaliw at magkaroon ng quality time sa kanilang pamilya ang mga Manileños dahil malapit nang buksan sa publiko ang newly renovated na Manila Zoo sa susunod na mga linggo, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Biyernes.

“Sino gustong pumunta ng zoo? Malapit nang matapos ang Manila Zoo. Gusto ninyong pumunta? Ito ay lumuwag, umayos at gumanda. Tingin ko in a matter of few weeks matatapos na," ani Domagoso sa kanyang diyalogo sa mga residente ng Bgy. 775, Sagrada Familia sa San Andres, Manila.

Sinabi ni Domagoso na pangarap niyang makapagpatayo ng zoo sa lungsod na kayang makipag-kompetensyasa world-famous Singapore Zoo.

“Matutupad na natin ang pangarap natin na lumaban sa Singapore Zoo dahil sa may Manila Zoo tayong mga batang Maynila. Galing po ako nung isang araw, sumilip po ako. Naku, matutuwa po kayo," anang alkalde.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Inimbitahan ni Domagoso ang mga residente ng San Andres na bisitahin ang bagong Manila Zoo at i-enjoy ang wildlife at botanical garden.

Ang redeveloped Manila Zoo ay mayroon bagong pasilidad kagaya ng museum, restaurant, veterinary hospital, bagong animal habitats, coffee shop, at bagong parking area.

Nauna nang sinabi ni Domagoso na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay nakipag-partner sa Cebu Safari and Adventure Park para sa "future exchanges" ng wildlife at animal medicines.