Sinimulan na ng Mandaluyong City government nitong Sabado ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots sa mga bedridden citizens nito habang pinapalakas nito ang pagsisikap na maprotektahan ang mamamayan ng lungsod laban sa COVID-19 at sa mas nakahahawang Delta at Omicron variants.

Ayon sa LGU, sa mga hindi kayang pumunta sa vaccination sites para sa kanilang booster shots maaaring tawagan ang MANDAVAX hotline para sa house-to-house booster jab schedule: 0917-18-MANDA (62632), 0917-67-MANDA (62632), 0968-609-5405, 0915-497-2946, 0919-524-5715, 8532-5001 loc 471 to 480.

Pinaalalahanan ng LGU ang publiko na ang mga bakunado lamang ng second dose na anim na buwan o higit pa ang nakalipas ang maaaring makatanggap ng booster shot.

Sa huling datos noong Dis 9, nakapagbigay na ang Mandaluyong ng 1,014,508 COVID-19 vaccine doses. Nasa 519,827 na residente naman ang nakatanggap ng first dose habang 486,220 naman an fully vaccinated.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Samantala, nakapagtala ang lungsod ng 31 na aktibong kaso ng COVID-19 base sa huling datos noong Dis. 10. 

Nakapagtala naman ang CH na 26,192 recoveries at 569 deaths.

Patrick Garcia