Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes, Nob. 10, ang bagong Malabon Sports Complex na magbibigay sa mga atleta at mga pamilya sa lungsod ng lugar para tangkilikin ang iba’t ibang aktibidad tulad ng pagsasayaw, outdoor exercises at basketball.

Pinangunahan ni Mayor Antolin “Lenlen” Oreta ang inagurasyon, kasama sina Vice Mayor Ninong dela Cruz, Rep. Jaye Lacson-Noel, Councilor Jose Lorenzo “Enzo” Oreta, at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod.

Ang sports complex sa Barangay Hulong Duhat ay mayroong track and field oval, football field, tennis, basketball court, playground, swimming pool at iba pang sports facility na magagamit ng mga residente.

Pinaalalahanan ni Oreta ang mga kabataang “Malabonian" ukol sa kahalagahan ng kalusugan at ehersisyo, lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang mga patakaran at alituntunin na kailangang sundin sa loob ng mga pasilidad ay makikita sa opisyal na Facebook page ng pamahalaang lungsod: https://www.facebook.com/326230474079843/posts/4654699607899553/.

Aaron Homer Dioquino