WASHINGTON --  Hindi bababa sa 22 na U.S. states ang nakapagtala ng kaso ng Omicron variant, ayon sa ulat ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nitong Biyernes.

Ayon sa nasabing health protection agency, lumabas sa kanilang inisyal na follow-up sa 43 na kaso, isa lamang ang naospital at walang naitalang namatay.

Sa imbestigasyon ng kaso, ang mga naturang kaso ay na-expose sa international at domestic travel, large public events, at household transmission.

Patuloy pa rin ang implementasyon ng prevention strategies, katulad ng pagbabakuna, pagsusuot ng face masks, maayos na ventilation, testing, quarantine, at isolation, upang mapabagal ang pagkalat ng SARS-CoV-2, kabilang ang Omicron, at upang maprotektahan laban sa malalang sakit at kamatayan dulot ng COVID-19, ayon sa CDC.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naitala ang unang kaso ng Omicron variant sa U.S. noong Disyembre 1, ayon pa sa CDC.

Xinhua