Sa ika-56 na araw na pananatili ng celebrity housemates sa reality show na Pinoy Big Brother, nagkaroon sila ng pagkakataon na marinig ang saloobin ng kanilang manunuod.

Sa isang edisyon ng programa, pinapili ang housemates ng nais nilang marinig na saloobin mula sa labas ng bahay. Tatlong komento na maaring bad o good ang maririnig nila.

Dito nanggigil si Daisy Lopez o kilala bilang si Madam Inutz sa kanyang mga narinig kung saan binansagan siyang isang “Marites” o tsismosa sa loob ng bahay.

Sa unang pahayag ng isang netizen, ‘di pa agad nadismaya si Madam Inutz.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

“Pansin ko kay Madam Inutz, laging nanggigil sa mga bagets. Dapat pagsabihan niya nang harapan hindi yung sinisiraan niya nang patalikod,” sabi ng isang netizen na sinang-ayunan lang ng sikat na online seller.

"True," sabi nito.

Nang basahin ang pangalawang pahayag, dito na umalma si Madam Inutz.

“Are we witnessing Madam Inutz transformation as the newest Marites in the house,” sabi ng isang manunuod.

Agad na dinipensahan ni Madam Inutz ang kanyang sarili.

“May sasabihin sa akin si Brenda, sasarilihin ko. May sasabihin sa akin si Samantha [Bernardo], sasarilihin ko. Pinakikinggan ko kasi ang bawat isa rito pero nagiging quiet ako,” sabi nito.

“Minsan talaga hindi lang talaga ng alam ng tao sa labas kung ano yung tunay na nangyayari ditto sa loob ng bahay,” dagdag niya nang kausapin ni Big Brother sa confession room.

Mariing itinanggi nito na siya’y isang tsismosa sa loob ng bahay.

“Nanggingil ako. Yung pangatlo. Sarap mong sikmurahin ha,” ani Madam Inutz habang natatawa.

Lalo lang nadismaya si Madam Inutz nang basahin ni Allysa [Valdez] ang ikatlong saloobin ng isang netizen.

“Masyado ka nang mapuna sa mga kasama mo. Sana sabihin mo nang harapan problema mo sa kanila, lalo na sa mga bata.”

Kamakamailan ay viral ang mga binitawang salita ni Madam Inutz ukol sa mga batang housemates kabilang na sa evicted housemate na si Chie Filomeno at si Alexa Ilacad.

“Nakakatuwang nakakainis kuya. Sana pala pinili ko na lang ang goods kumbaga parang nainis lang din ako kahit di naman totoo.”

Kalakhan ng housemates ay pumili ng bad comment sa layong tanggapin ito bilang isang constructive criticism.