Naloka naman ang press sa sagot ni Joaquin Domagoso sa tanong ng isang showbiz reporter sa kaniya, kung naranasan na ba niyang ma-'caught in the act' habang may 'ginagawa' na hindi dapat makita ng iba?

Nagkaroon kasi ng virtual press conference para sa pelikulang 'Caught in the Act' na ang bida ay ang anak ni presidential aspirant Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso, na ipalalabas sa Disyembre 15.

Ayon kay Joaquin, may ginagawa raw siya sa kuwarto niya nang biglang pumasok ang yaya niya.

"May ginagawa ako sa kuwarto ko. Naka-iPad ako. Privately. Akala ko locked yung door. Biglang pasok yung yaya ko, hawak-hawak yung mga damit. Wala akong magawa. Sinarado na lang niya ulit," natatawang kuwento ni Joaquin.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Hindi naman niya nilinaw kung ano ba ang ginagawa niya talaga habang nanonood siya sa iPad kaya napaatras na lamang ang yaya at hindi na pumasok sa kuwarto niya para maglagay ng mga damit.

O baka naman nagkamali lamang ang yaya niya sa kuwartong pinasukan nito, at napagtanto na hindi naman mga damit ni Joaquin ang ibibigay niya at sa ibang kuwarto naman pala.

Sina Joaquin Domagoso at Andi Abaya ang bida sa pelikulang ito. Si Andi Abaya ay first runner up sa 'Pinoy Big Brother: Connect' para sa teen edition, na umere noong Disyembre 6, 2020 hanggang Marso 14, 2021.

Ano nga bang unang impresyon ng dalawa sa isa't isa?

“I really don’t know her personally, but she’s a nice person po. Mabait siya," wika ni Joaquin hinggil kay Andi.

"Just like what Joaquin said, we really don’t know personally yet. But I believe we would be able to work well with each other. He seems like a nice person naman po and organized," segunda naman ni Andi.

Gagampanan ng dalawa ang senior high school students na nakaimbento ng mobile app na “Caught in the Act,” isang crime-stopping app na makatutulong sa mga tao upang maisumbong o report ang isang krimen.

Makakasama rin nila sa pelikula sina Karel Marquez, Lance Raymundo, Shido Roxas, John Gabriel, Toni Co, EJ Panganiban, Roy Sotero, Ella Sheen, Jiana Aurigue, Edna Hernandez, Josh Lichtenberg, Bamboo B. at Jhassy Cruz Busran.

Ang pelikula ay isinulat at idinerehe ni Perry Escaño sa ilalim ng JCB Production.