Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang supervisor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Las Piiñas nang kikilan umano nito ng ₱1.5 milyon ang isang negosyante nitong Biyernes ng gabi.

Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na si Leonidea Marco matapos marekober sa kanya ng mga awtoridad ang ₱1,550,000.00 cash at isang cellular phone kung saan nakadetalye ang transaksyon nito sa complainant.

Nauna nang nagtungo sa tanggapan ng NBI ang complainant dahil hinihingan umano siya ni Marco ng nabanggit na halaga kapalit ng pagtigil sa isinasagawang imbestigasyon ng grupo ng suspek sa kanilang records kahit nakapagsumite na sila ng kinakailangang dokumento.

“Yung ₱500,000 doon sa ₱1,550,000, mapupunta sa tax payable na babayaran directly sa Landbank. The ₱1 million, mapupunta sabi niya, doon sa mga kausap niya sa BIR office sa Las Piñas and the ₱50,000 for the legal department para ma-pull out 'yung case and then wala ng investigation,” paliwanag ni Kristine Dela Cruz, executive officer ng NBI Special Action Unit (SAU), sa isang television interview nitong Biyernes.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong paglabag saRepublic Act 8424 (Tax Reform Act of 1997), Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials), Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt PracticesAct), at robbery extortion.